-- Advertisements --

Plano ni French President Emmanuel Macron na bumisita sa Ukraine.

Ito ay kapag nagdesisyon na ang European Union na maging miyembro na nila ang Ukraine.

Nakatakda kasing maglabas ng desisyon ang EU sa katapusan ng buwan kung magiging miyembro na nila ang Ukraine.

Itinuturing kasi ng French government na magiging malaking tulong sa dalawang bansa ang pagbisita ng kanilang pangulo.

Ito ang magiging pagbisita ni Macron mula ng lusubin sila ng Russia noong Pebrero.

Ilan sa mga nakabisita na sa Ukraine mula ng Russian invasion ay sina British Prime Minister Boris Johnson at US Speaker of the House Nancy Pelosi.