-- Advertisements --

Pangunahing tinalakay nina French President Emmanuel Macron at Chinese President Xi Jinping ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Sa ginawang pagbisita ni Macron sa China kasama si European Commission chief Ursula von der Leyen, hinikayat nila ang Chinese President na kung maari ay kausapin nito si Russian President Vladimir Putin para itigil na ang pananakop nito sa Ukraine.

Pagtitiyak naman ni Xi na mula pa noon ay isinusulong nila ang kapayapaan.

Dagdag pa nito na hindi lamang China ang maaring makakapagpigil ng kaguluhan sa Ukraine at sa halip ay dapat ay maging ang mga France at ilang bansa sa Europa.