-- Advertisements --

Hindi pa matiyak ni French football team coach Didier Deschamps kung mananatili pa ito sa koponan.

Kasunod ito sa pagkatalo ng France laban sa Argentina sa finals ng FIFA World Cup 2022 na ginanap sa Qatar.

Ayon sa 54-anyos na coach na ipapaubaya niya sa French Football Federation ang pagpapasya kung tatanggalin ba siya o panatilihin sa koponan.

Handa umano nitong tanggapin kung anong magiging desisyon ng French Football Federation.

Mula pa aniya noong 2012 ay naging coach na ito ng France kung saan unang sinabi ni French Football Federation President Noel Le Graet na dedepende ang mga desisyon nila sa gagawing pagpupulong ng board.

Magugunitang tinalo ng Argentina ang defending champion na France sa katatapos na FIFA World Cup 2022 sa score 4-2 sa pamamagitan ng penalty shootout.