Nagpahayag ng pagpayag ang French defense manufacturer Naval Group na tulungan ang Philippine Navy (PN) na idevelop ang Subic Bay sa Zambales bilang isang modernong naval base na may kakayahang pangasiwaan ang mga operasyon sa submarine sa sandaling makuha nito ang kontrata para sa barkong pandigma.
Ayon kay corporate sales director ng Naval Group Loïc Beaurepaire, susuportahan ng Naval Group ang Ph Navy sa pagdidisenyo at muling pagsasaayos ng lokasyon sa Agila Subic upang gawin itong isang modernong naval base.
Gayundin, ang pagpapatupad ng national system na suporta nito upang matiyak ang full autonomy ng paggamit, maintenance at life cycle ng submarine force.
Nauna nang inihayag ng Ph Navy na ang Subic Bay ang magiging lokasyon ng submarine base nito.
Kabilang dito ang mga panukala para sa mga pantalan na may kakayahang humawak ng higit sa dalawang submarine at mga barko na kailangan upang suportahan ang paglaki ng puwersa ng bansa.
Sinabi rin ng opisyal na susuportahan din nila ang pagsasanay ng mga maintenance experts.
Dagdag pa niya, magtatrabaho din sila para sa “qualification of a local supply chain”
Ang Naval Group ay ang tagagawa ng Scorpene diesel-electric submarine na kasama sa listahan ng mga submarine platform ng Pilipinas.