-- Advertisements --
Nakuha ng French author na si Annie Ernaux ang Nobel Prize in literature.
Ito ay dahil sa mga gawa nito na tumatalakay sa family, class and gender.
Karamihang isinulat ng 82-anyos na si Ernaux ay tungkol sa autobiographical.
Ang una niyang libro ay “Les armoires vides” na inilabas sa French noong 1974 at may English version nito na “Cleaned Out” na inilabas naman noong 1990.
Nakilala ito sa kaniyang gawang “La Place” noong 1983 o “A Man’s Place” na inilabas noong 1992.
Isinilang sa Normandy, northern France, noong 1940.
Inamin ng organizer na hindi nila ma-contact si Ernaux kaya umaasa sila na maiparating ang mensahe sa kaniyang pagkakapili bilang Nobel Prize in literature.