-- Advertisements --

Nanindigan ang gobyerno ng Pilipinas na hindi nito iaatras ang planong free trade agreement sa Amerika .

Ito ay sa kanila ng kasalukuyang political dynamic sa US pagsapit ng presidential elections sa Nobiyembre kung saan mahirapan ang Washington DC na maglunsad ng FTA hindi lamang sa PH kundi sa lahat ng mga bansa ayon kay Trade Undersecretary and Board of Investments managing head Ceferino Rodolfo.

Gayunpaman, sinabi ni Rodolfo na patuloy pa rin na agresibong isusulong ng gobyerno ng PH ang FTA sa US.

Ipinaliwanag din ng Trade official na ang pagpapahayag ng matatag na intensiyong ito ng PH na makapag-secure ng free trade deal sa US ay mahalaga para maprayoridad ang PH sakaling dumating ang panahon na buksan na ng Amerika ang pintuan nito para sa mga negosasyon sa FTA.

Base nga sa latest data mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), nagpapakita na ang US ang pinakamalaking recipient ng mga export ng PH noong Pebrero na nasa $947.83 million at sinundan ito ng Japan na nasa $849.17 million.