Nilinaw ng Office of the Vice President (OVP) na patuloy ang koordinasyon nila sa Department of Transportation (DOTr) kaugnay ng libreng shuttle service sa mga frontliners kontra COVID-19.
Ito’y kasunod umano ng mga ulat, na posibleng magdulot ng maling impormasyon hinggil sa pagtigil ng serbisyo.
Ayon sa Chief of Staff ng OVP na si Usec. Philip Dy, bukas pa rin ang DOTr na ituloy ang inisyatibo ng tanggapan ng bise presidente.
“We wish to emphasize that our Office has been in constant coordination with the Department of Transportation (DOTr) since announcing that the OVP’s free shuttle service will only be until April 14.”
“We are grateful for DOTr’s openness and cooperation. We particularly note with appreciation that the agency had opened two routes similar to ours.”
Nagpadala na raw ng sulat si VP Leni sa Transportation department kaugnay ng paghahanda ng tanggapan nito sa transition ng serbisyo.
“Recommendations were also offered, based on the experience of our regular passengers, our staff, and our volunteers. These include having scheduled stops at every pick-up/drop-off point; posting everyday reminders regarding our routes and their schedules; and adopting strict precautionary measures like the provision of personal protective equipment (PPE) for drivers and conductors and regular disinfection.”
“We continue to coordinate with DOTr officials regarding these very matters, as we have seen how these protocols made the experience better for our frontliners.”
“We affirm our commitment to working with like-minded partners in finding creative and strategic solutions to the challenges we face.”
Bago in-extend ni Pangulong Rodrigo Duterte ang enhanced community quarantine sa Luzon, sinabi ni Robredo na hanggang April 14 na lang ang libreng shuttle service.
Nilinaw din ng bise presidente na makikipag-ugnayan siya sa DOTr kaugnay ng serbisyo sakaling palawigin ng pamahalaan ang lockdown.
“Ano siya (Sec. Arthur Tugade), very open na i-adopt nila iyong aming mungkahi. Kaya sana, sana ito iyong maganda rin na bunga ng karanasan natin.”
“Iyong pinaka-unang mungkahi namin, hindi lang i-expand iyong routes pero magkaroon ng definite time bawat stop kasi kung magta-timing-timing lang kasi iyong mga sasakay, sayang sa oras,” dagdag ng vice president.
Nagpasalamat na si VP Leni sa naging partners ng OVP matapos ang matagumpay na 26-araw na pagbibigay nilang serbisyo sa frontliners.
‘Naging posible ang lahat ng ito dahil sa bayanihan at iisang layunin na iparamdam ang ating pakikiisa sa araw-araw nilang pagsabak,” ani Robredo sa kanyang Facebook post.
“Hanga rin ako sa higit 200 na mga ordinaryong mamamayan na nag-volunteer bilang mga shuttle facilitators, drivers, dispatchers, at maintenance staff para siguruhing maayos ang pagpapatakbo ng ating mga ruta.”