-- Advertisements --

Nanawagan ang Kabataan party-list sa Duterte administration na ihinto na ang pag-atake sa media, aktibista at kritiko ng pamahalaan, at pagbigyan ang franchis renewal application ng ABS-CBN.

Ayon kay Kabataan party-list Rep. Sarah Elago, lumalabas na sa ngayon na pursigido ang pamahalaan na ipahinto ang operasyon ng ABS-CBN matapos na maghain ng quo warranto petition ang Office of the Solicitor General na sinundan pa ng gag order petition sa Supreme Court.

Ipinapakita lamang aniya ng pamahalaan ang pagiging “insensitive” nito dahil hayagang ipinapakita ang hindi pagbibigay ng importansya sa mga empleyado ng ABS-CBN na mawawalan ng trabaho sa oras na magsara ang kompaniya.

Samantala, hinamon naman ni Elago ang mga kagawad ng media na tutukan ang pag-atake sa press freedom, at panagutin din ang mga nasa likod nang iligal na pag-aresto sa mga aktibista at mamamahayag.