KALIBO, Aklan – Hinikayat ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go ang Kongreso na bilisan ang pagdinig sa isyu kaugnay sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Sinabi niya umano ito mismo sa harap ng kapwa lawmakers dahil taong 2014 pa nakabinbin ang franchise application ng naturang higanteng tv network, gayundin upang mabigyan ng pagkakataon ang lahat na makapagsalita.

-- Advertisement --

Kamakailan lamang nang tanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghingi ng tawad ng kompanya dahil sa hindi pag-ere ng kaniyang advertisement at napagkasunduan na ibalik na lamang ang perang kaniyang ibinayad.

Una rito, pinangunahan ni Sen. Go ang inauguration ng “Malasakit Center” sa Aklan Provincial Hospital at ang pagbibigay ng tulong-pinansiyal sa mga empleyado ng gobyerno sa lalawigan na naapektuhan nang manalasa ang bagyong Ursula noong Disyembre 25, 2019.