Lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na nagbibigay ng prangkisa sa San Miguel Aerocity Inc. para sa pagtayo, develop, establish, operate at maintain ng domestic at international airport sa Bulacan.
Sa pamamagitan ng viva voce voting ay inaprubahan ng mababang kapulungan ng Kongreso ang House Bill No. 7507.
Bukod sa construction ng naturang airport, nakasaad din sa prangkisa na pinapahintulutan ang San Miguel Aerocity Inc. sa pagtayo, develop, establish, operate, at maintain ng isang adjacent airport city.
Tinatayang aabot ng hanggang P735 billion ang investment ng San Miguel Corporation para sa construction ng proposed “New Manila International Airport”.
Itatayo ito sa coastal areas sa bayan ng Bukalan sa Bulacan, o nasa 30 kilometers north ng Metro Manila.
Inaasahan na made-decongest ang Ninoy Aquino International Airport sa pagtayo ng bagong paliparan sa Bulacan.