Magpapadala ang France ng mga ekspeto sa bansa pagdating sa sektor ng enerhiya at sa food security para makatulong sa pagbibigay solusyon sa mga hamon sa naturang larangan.
Ito ang ibinunyag ni French ambassador to the Philippines and Micronesia Michéle Boccoz na isa aniya sa tinalakay sa pagitan nina French President Emmanuel Macron at Philippine President Ferdinand Marcos Jr. sa kanilang face to face meeting sa New York noong nakalipas na buwan ng Setyembre.
Nagkausap aniya ang dalawang lider sa sideliens ng United Nations General Assembly kung saan tinalakay kung paano naapektuhan ang mundo gaya ng invasion ng Russia sa Ukraine na humantong sa pag-weponized o paggamit bilang armas sa pagkain at langis.
Sinabi pa ang ambassador na nag-commit si Macron ng maigitng napakikipag-ugnayan sa Pilipinas tungo sa pagkakaroon ng green energy, sustainable agriculture at green development.
ibinunyag din ni envoy na ilang kinatawan ng mga kompaniya sa France ang magtutungo sa Pilipinas sa Oktubre 24 at 26 para makipagkita sa mga local businessleaders at government officials.
Karamihan sa mga kompaniya ay tututok sa green energy at contruction gaya ng pagtatayo ng sola rpower farms sa Zamboanga.
-- Advertisements --