-- Advertisements --

Dinagdagan ng France ang tulong pinansyal na ibibigay sa Gaza.

Sinabi ni French President Emmanuel Macron na ginawa na nilang $85.5 milyon ang halaga ng financial aid na ibibigay sa Gaza.

Noong Oktubre 7 ay unang inansiyo ng France na magbibigay ito ng $21.4 milyon.

Dahil dito ay hinikayat din nito ang ibang mga bansa na dagdag pa ang financial aid sa Gaza.

Magugunitang nanawagan ang United Nations na kailangan ng $1.2 bilyon na halaga para sa 2.7 milyon na residente na naiipit sa Gaza dahil sa pinaigting na ground operations ng Israel laban sa Hamas.