-- Advertisements --
https://www.youtube.com/watch?v=OjvOrcs32sk

Tumabo ng 23 points si Buddy Hield, na dinagdagan ng 16 points at 10 assists ni De’Aaron Fox upang dominahin ng Sacramento Kings ang Cleveland Cavaliers, 117-104.

“That’s a good win for us,” wika ni Sacramento coach Dave Joerger. “The difference was our defensive activity at times was really good. We got deflections. We got steals. We forced them into turnovers.”

Umalalay din si Marvin Bagley III na ibinuhos ang pito sa kanyang 15 puntos sa fourth quarter, maging si Bogdan Bogdanovic na may 15 points at walong rebounds para sa Sacramento.

Sa hanay ng Cleveland, umiskor si Collin Sexton ng 18 points upang makasama sina LeBron James at Ron Harper na tanging mga Cavaliers na nagtala ng 1,300 points.

Si Sexton din ang ika-10 rookie sa NBA na nakaabot sa nasabing milestone.

Nagrehistro ng 22 points si Fil-Am guard Jordan Clarkson mula sa bench, at sina Ante Zizic na may 14 points at 10 rebounds, at Larry Nance Jr. na humugot ng 11 points at 16 boards.