Pumanaw na ang founding member bandang Hotdog na si Dennis Garcia sa edad 69.

Kinumpirma ito ng kaniyang anak na si Isa sa pamamagitan ng isang Facebook post.

Siya ang nakakatandang kapatid ni Rene Garcia ang lead singer ng bandang Hotdog na pumanaw na rin noong 2018.

Ang magkapatid ay siyang nasa likod ng gumawa ng mga sikat na kantang “Ikaw ang Miss Universe ng Buhay Ko”, “Manila”, “Annie Batungbaka”, Beh Buti Nga”, “Langit Na Naman”, “Beh Buti Nga”.

Pinangunahan niya noong nakaraang taon ang tribute show sa para sa kaniyang kapatid na si Rene, Joey “Pepe” Smith at Rico J. Puno.