-- Advertisements --

Pumanaw na sa edad na 92 anyos ang founder ng election watchdog na National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) na si Jose Concepcion, Jr. ngayong araw ayon sa kumpirmasyon ng Philippine Center for Entrepreneurship.

Kilala din bilang isang patriarch ng PH industry at Democrancy advocate si Conception na naniniwala sa abilidad ng Pilipinas na makamit ang economic development na inklusibo at pro-Filipino.

Nagsilbi din ito bilang dating kalihim ng Department of Trade and Industry sa ilalim ng rehimen ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Naging delegate din si Joecon sa 1971 Constitutional Convention na kumatawan sa unang distrito ng Rizal kung saan naipanalo niya ang constitutional principles na nagpalaya sa capital base ng bansa para bigyang daan ang Filipino manufacturers na umunlad.

Taong 1983 nang inorganisa niya ang NAMFREL na isang voluntary, non-partisan at community-based organization na tumayong citizens arm ng Comelec noong 1986 snap presidential elections na humantong sa People Power Revolution na nagpatalsik sa rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at nagluklok kay Corazon Aquino bilang pangulo.

Samantala, magkakaroon naman ng publi viewing sa labi ni Joecon mula bukas, Marso 7 hanggang sa Biyernes, Marso 11 sa oras na 1pm hanggang 10pm sa Heritage Memorial Park sa taguig city.

Magaalay naman ng isang requiem mass sa Marso 11 dakong 1:15 pm sa Santuario de San Antonio Parish church, Forbes Park sa Makati city.