-- Advertisements --

Maaari na umanong pumasok sa Pilipinas ang mga banyagang mayroong exemption documents na kanilang nakuha bago ang pagpapatupad ng travel ban noong nakaarang buwan.

Sinabi ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente said, ang mga banyagang mayroong exemption documents na inisyu ng Department of Foreign Affairs (DFA) bago ang Marso 22 ay papayagan nang pumasok sa bansa sa kasagsagan ng pagpapatupad ng travel restrictions na pinalawig hanggang April 30.

Ang revised rule ay bilang pagsunod na rin sa pinakahuling resolusyon ng Inter-Agency Task on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

Binigyang diin ni Morente na ang ibang foreign nationals ay hindi pa rin papayagang makapasok sa Pilipinas at ang prebelehiyo ng mga Balikbayan sa mga dating Pinoy ay nananatili namang suspendido.

Sa ngayon, base sa IATF policy, pinapayagan ding makapasok sa bansa ang mga diplomats at mga miyembro ng international organizations na mayroong valid 9(e) o 47(a) (2) visas, maging ang mga medical repatriation ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), seafarers na may hawak na 9(c) visa para sa crew change at ang mga emergency, humanitarian at analogous cases na aprubado ng chairperson ng National Task Force Against Covid-19 (NTF) o ang mga authorized representative.