-- Advertisements --

Maari pa ring makalabas ng bansa ang mga foreigners na mayroong approved immigran at non-immigran visas kahit pa hindi pa sila nabibigyan naman ng alien certificate of registration identity card (ACR I-Card).

Sinabi ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente, extended hanggang Disyembre 31, 2021 ang polisiya nilang nagpapahintulot sa mga foreigners na mayroong aprubado na visa na makalabas ng Pilipinas kahit pa pending ang release ng kanilang ACR I-Card.

Sa halip ng ACR I-Card, kailangan lamang magpakita ng mga aalis na foreingers sa Pilipinas ng official receipts ng kanilang ACR I-Card waiver application fee at reentry permit (RP) o special return certificate (SRC).

Ayon kay BI Deputy Commissioner J. Tobias Javier, inirekomenda niya ang extension para hindi na rin mahirapan ang mga foreigners na nais makalabas ng Pilipinas sa gitna ng COVID-19 pandemic.