-- Advertisements --

Nagpulong ang mga foreign ministers ng South Korea at China.

Plano kasi ng Seoul na buksan ang denuclearization negotiation sa North Korea at pagbabalik ng cultural exports gaya ng K-pop music at pelikula sa China.

Isinagawa ang pagpupulong nina South Korean foreign minister Park Jin at Chinese Foreign Minister Wang Yi sa Qingdao City.

Ito ang unang high-level visit sa China ng gabinete ni South Korean President Yoon Suk-yeol.

Isinagawa ang pag-uusap kahit na mayroong tensiyon na nangyayari sa pagitan ng China at US.

Inaasahan ni Park ang mahigpit na bilateral ties sa China matapos ang pag-uusap.

Sinabi naman ni Wang na magiging independent at malaya mula sa kaguluhang panlabas at impluwensiya mula sa isa’-isa.