-- Advertisements --

Pumalo na ang kabuuang utang panlabas sa US$118.8 billion noong katapusan ng Setyembre 2023.

Ito ay tumaas ng US$915 milyon (o 0.8 porsiyento) mula sa antas na US$117.9 bilyon noong katapusan ng Hunyo 2023.

Sa kabila ng pagtaas ng stock ng utang, ang ang ratio ng panlabas na utang ay bumuti sa 28.1 porsyento mula sa nakaraang quarter na 28.5 porsyento dahil sa paglago ng ekonomiya sa ikatlong quarter.

Ang iba pang mga pangunahing tagapagpahiwatig ng panlabas na utang ay nanatili rin sa mga antas na maituturing na manageable.

Ang kabuuang international reserves naman ay umabot sa US$98.1 billion noong katapusan ng Setyembre 2023 at kumakatawan sa 5.7 na ulit para sa biglaang pag-utang batay sa orihinal na konsepto ng dapat na maturity period nito.

Ang debt service ratio (DSR), na nag-uugnay sa mga pagbabayad ng principal at interest na bahagi ng debt service burden sa mga pag-export ng mga kalakal mula sa mga serbisyo at pangunahing kita, ay tumaas sa 10.3 porsiyento mula sa 4.8 porsiyento para sa parehong panahon noong nakaraang taon dahil sa mas mataas na naitala na principal at pagbabayad ng interes sa 2023.

Ang nasabing ratio at ang gross international reserves cover para sa pagkakautang naman ay mga sukatan ng kasapatan ng foreign exchange (FX) resources ng bansa upang matugunan ang mga obligasyon ukol dito. (Reports from Bombo Genesis Racho)