-- Advertisements --
Jumalon

Mariing kinondena ng mga foreign ambassadors ng France, European Union, United Kingdom, at Germany ang pagpatay kay Juan Jumalon, isang radio broadcaster mula sa Misamis Occidental sa Mindanao.

Si Jumalon, isang 57-anyos na radio announcer na kilala bilang “DJ Johnny Walker,” ay binaril ng hindi pa nakikilalang mga salarin habang siya ay live on air noong Linggo Nobyembre 5.

Nangyari ang insidente sa mismong radio station ng biktima na matatagpuan sa kanyang tirahan sa bayan ng Calamba.

Ang nasabing pamamaril ay nakuha sa isang livestream ng kanyang programa.

Ayon kay EU Ambassador to the Philippines Luc Veron, naninindigan ang European Union kasama ng Pilipinas sa pagkondena sa pamamaslang sa radio broadcaster.

Ibinahagi naman ng mga ambassador ng United Kingdom, Germany, at France ang social media post ni Pangulong Marcos na nag-utos sa pulisya na magsagawa ng imbestigasyon para mabigyan ng hustisya ang mga salarin.

Kaisa ang mga envoys ni Pang. Marcos sa panawagan para sa masusing pagsisiyasat at pag-uusig sa pumatay sa mamamahayag.