-- Advertisements --

DAVAO CITY – (update) Naglagay na ngayon ng foot bath sa mga checkpoint sa Barangay Mamacao, Sta. Maria Davao Occidental na dadaanan nga mga tao upang madisinfect ang kanilang sout nga footwear.

Sa ganitong paraan mapigilan ang pagkalat ng African Swine Fever sa probinsya.

Matatandaan, nagpatupad ang Lungsod ng Don Marcelino, Davao Occidental ng 24/7 lockdown sa pagbebenta ng mga baboy at karne ng baboy sa kanilang lugar.

Ito matapos natala ang unang kaso sa African Swine Fever sa walong barangay na sakop sa Don Marcelino, Davao occidental na mahigit isang libong mga baboy ang sinasabing nagpositibo sa nasabing virus.