-- Advertisements --

Nananatili sa pagamutan si Brazilian football legend Pele.

Ayon sa kaanak ng 82-anyos na football star na lalong lumalala ang cancer nito ganun din ang lagay ng kidney at puso nito.

Dahil dito ay magdiriwang siya ng pasko sa Albert Einstein Hospital sa Sao Paulo.

Na-diagnosed din ng mga doctor si Pele o Edson Arantes do Nascimento sa tunay na buhay ng respiratory infection.

Itinanggi naman ng mga anak nitong sina Kely Nascimento at Flavia Arantes na inilagay na sa tinatawag na end-to-life care ang kanilang ama kaya dinagsa ng mga supporters nito at nagsagawa sila ng vigil.