-- Advertisements --
Muling itinakbo sa pagamutan si Brazilian football legend Pele bilang bahagi ng kaniyang paggamot sa kaniyang colon cancer.
Ayon sa Alber Einstein Hospital na bumubuti na ang kalagayan ng legendary footballer na si Pele o Edson Arantes do Nascimento sa totoong buhay at posibleng makalabas na rin sa pagamutan sa mga susunod na araw.
Sinabi naman ng kaniyang kampo na normal lamang sa kaniya na sumailalim ng pagamutan ng isang beses kada buwan.
Tinaguriang bilang greatest footballer of all time si Pele ay tanging manlalaro sa kasaysayan na nanalo ng tatlong World Cup noong 1958, 1962 at 1970.
Bago kasi ang diagnosis nito sa colon cancer ay na-ospital ito ng ilang buwan noong nakaraang taon.