-- Advertisements --

Labis pa rin ang galit ng mga football fans sa China matapos na hindi naglaro si Inter Miami star Lionel Messi sa Hong Kong subalit naglaro ito sa Japan.

Nagkaroon kasi ng exhibition game ang Inter Miami at Vissel Kobe sa Tokyo at dito ay naglaro si Messi.

Sinabi ni Messi na nahihiya ito sa hindi paglalaro niya noong ito ay nasa Hong Kong dahil sa mayroon itong groin injury at labis ang pamamaga ng ilang bahagi ng kaniyang katawan.

Tiniyak nito na ito ay babalik sa Hong Kong at maging sa Mainland China para maglaro muli.

Magugunitang nadismaya ang maraming mga fans ng manood sila ng football game sa Hong Kong dahil sa hindi naglaro ang football star kung saan maraming mga fans ang humirit na ibalik ang pera na kanilang ibinayad.