-- Advertisements --
Pinatawan ng $3.33 milyon ang Brazilian football star na si Neymar dahil sa paglabag sa batas kalikasan.
Ayon sa Brazilian government na nasakop ng pinapagawang mansion ang bahagi ng karagatan sa bayan ng Mangaratiba sa Rio de Janeiro sa southern Brazil.
Bukod pa dito ay ginamit nito sa pagpapatayo ng kaniyang mansion ang mga bato at buhangin ng walang paalam o permit.
Bukod pa sa multa ay kinasuhan na siya ng state civil police at sa environmental protection office.