-- Advertisements --
image 98

Inirekomenda ni Albay Representative Joey Salceda sa Department of Social Welfare and Development na bigyan ng mga special food stamps ang mga magsasaka ng bansa.

Ito ay sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Department of Agriculture.

Ibinatay ng kongresista ang kanyang rekomendasyon sa food stamp program ng ibang mga bansa kung saan pangunahin nitong tinutugunan ang rural surplus, kasama na ang mga food-poor urban communities.

Ayon kay Cong Salceda, 30% ng mga magsasaka ay mga mahihirap na pamilya.

Inirekomenda ng kongresista na bigyan ng DSWD ng mga food stamp ang mga magsasaka, kapalit ng kanilang agricultural surplus o sobra-sobrang mga ani.

Sa ganitong paraan aniya ay matutulungan ang mga magsasaka na maibenta ang kanilang sobrang ani, kasama na ang mga food stamp na maaaring ipalit sa mga general food items.

Sa pamamagitan din ng ganitong paraan ay matitiyak na may sapat na supply ng mga agricultural commodities sa mga komyunidad, na magreresulta sa mas mababang presyuhan.