-- Advertisements --

Napaiyak si Foo Fighters frontman Dave Grohl sa kasagsagan ng kanilang concert.

Ito kasi ang unang concert ng banda mula ng pumanaw ang drummer nila na si Taylor Hawkins noong Marso.

Naging emosyonal na ito ng kantahin ang “Times Like These” kung saan halos hindi na nito matapos ang kanta.

Bago ang concert sa Wembley Stadium sa London ay itinuturing ni Grohl si Hawkins bilang higit pa sa kapatid.

Nagsagawa ng concert ang banda bilang pagkilala sa pumanaw na si Hawkins.

Magugunitang noong Marso ng matagpuang patay ang 50-anyos na drummer sa kuwarto nito sa Colombia bago ang kanilang pagtatanghla sa isang festival sa Bogota.

Hindi na inilabas pa ang sanhi ng kamatayan nito pero nakakita ang mga otoridad ng traces ng 10 substances sa katawan nito gay ang opoid, marijuana at anti-depressants.