-- Advertisements --
Kinansela na ng American rock band na Foo Fighters ang kanilang mga paparating na concert tours.
Kasunod ito sa pagkasawi ng kanilang drummer na si Taylor Hawkins sa edad 50.
Sa social media post ng banda, labis silang nalungkot sa hindi pagtuloy ng kanilang concert dahil sa matindi pa rin ang kanilang pagdadalamhati sa pagpanaw ng kanilang drummer na itinturing nilang isang kapatid.
Pinayuhan nila ang mga nakabili na ng mga tickets na maari nilang mai-refund ang kanilang pera.
Magugunitang natagpuang patay si Hawkins habang sila ay nasa Bogota, Colombia kung saan hindi pa binanggit dito kung ano ang sanhi ng kamatayan nito.