-- Advertisements --

Bahagyang lumakas ang tropical depression Florita habang tinatahak ang hilagang Luzon.

Ayon saPhilippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng tuluyan ng maging tropical ito sa Lunes ng umaga o hapon.

Namataan ito sa 460 kilometer silangan ng Tuguegarao City, Cagayan at 420 km. ng silangan Casiguran.

May taglay itong bilis na 55 kilometer per hour at pagbugso ng nasa 70 kph.
Posiblang mag-landfall ito sa Martes ng hapon.

Nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) number 1 sa Dilasag, Aurora, northern at eastern Isabela Dinapigue, Palanan, Divilacan, Maconacon, San Pablo, Cabagan, Tumauini, Ilagan City, San Mariano, Benito Soliven, City of Cauayan, Naguilian, Gamu, Quirino, Delfin Albano, Santo Tomas, Santa Maria, Quezon, Mallig, Burgos, Reina Mercedes, Luna, Aurora, Roxas, Cabatuan, San Manuel at silangang bahayg ng Cagayan gaya ng mga lugar na : Peñablanca, Baggao, Gattaran, Lal-Lo, Gonzaga, Santa Ana, Santa Teresita, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Alcala, Amulung, Iguig, Solana, Tuguegarao City, Enrile.

Makakaranas naman ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon kaya patuloy ang pagbibigay babala ng PAGASA.