-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Florida Governor Ron DeSantis ang kaniyang plano na tumakbo sa pagkapangulo ng US.

Naghain na ito ng kaniyang kandidatura sa Federal Election Commission.

Naging maugong na ang pagtakbo ng Republican governor ng magwagi siya sa pagka-gobernador noong Nobyembre.

Dahil dito ay itinuturing siya na mahigpit na katunggali ng kapwa Republican at dating pangulong Donald Trump.

Isa siya sa itinuturing na mahigpit na makakaharap ni Democrats at kasalukuyang Pangulong Joe Biden na tatakbo muli sa puwesto sa 2024.