Naglabas ng flood alert ang Pagasa para sa Occidental Minmdoro at Palawan nitong hapon lamang.

Dulot ito ng mga pag-ulang dala ng bagyong Ursula.

Base sa abiso, nasa ilalim umano ng orange alert o indikasyon ng mga pagbaha ang Mindoro at posibleng magpatuloy pa sa mga susunod na oras.

Habang yellow alert naman sa Palawan, na nangangahulugang may naitalang malakas na buhos ng ulan sa loob ng nakalipas na mga oras.