-- Advertisements --

Naantala ang pagdating ng Indiana Pacers sa Oklahoma City dahil sa masamang panahon.

Makasaysayan pa naman ang kanilang laban dahil matapos ang 25 taong paghihintay, muling makakabalik sila sa NBA Finals.

Habang nasa himpapawid ang eroplano ng Pacers, nagbigay ng alerto ang mga eksperto tungkol sa paparating na buhawi, matinding pag-ulan, at pagbaha sa Oklahoma City at mga kalapit na lugar.

Isang buhawi din ang namataan sa Norman, Oklahoma, na nasa humigit-kumulang 20 milya mula sa Oklahoma City, ngunit hindi agad natukoy kung tumama ito o nagdulot ng pinsala.

Dahil sa masamang panahon, nalihis ang flight ng Pacers patungo sa Tulsa, Oklahoma, kung saan sila nag-refuel bago bumalik sa kanilang destinasyon.

Ang Finals media day ay nakatakda sa Paycom Center, habang maghaharap ang Indiana Pacers at Oklahoma City Thunder sa Game 1 ng serye sa Huwebes.