-- Advertisements --

Gagamit ang Gilas Pilipinas ng all-Filipino line-up sa para sa nalalapit na dalawang laro ng FIBA Basketball World Cup Asian Qualifiers.

Sinabi Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na wala silang plano na punan ang naturalization spot para sa laban nila kontra Jordan sa araw ng Biyernes , Agosto 28 at sa Iran sa Agosto 30.

Ang nasabing balita ay kasunod ng hindi paglahok ni Justin Brownless dahil sa iniinda nitong mga injury.

Maging ang ilang mga naturalized prospects na si Bennie Boatwrigth dahil kailangan pa niyang makakuha ng Filipino passport.

Habang si Ange Kouame ay nasa France at may kontrata pa.

Kahit na itinuturing na all-Filipino ang Gilas Pilipinas ay sapat pa rin aniya ito para sa dalawang mahalagang World Cup qualifiers at target nilang ma-improve ang standing na dalawang panalo at apat na talo na record.