-- Advertisements --
ILOILO CITY – All set na ang bayan ng San Enrique, Iloilo, para sa isa na namang blood letting activity kasama ang Philippine Red Cross at Dugong Bombo ng Bombo Radyo Philippines ngayong araw, Pebrero 18.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Novy Magno, blood recruitment officer, sinabi nito na inaasahang magdo-donate ng dugo ang mga barangay officials, residente, organisasyon at mga fraternity.
Maging ang Philippine Air Force ay makikibahagi rin sa nasabing aktibidad.
Ayon kay Magno, target nila na ang 100 hanggang 150 na successful blood donors.
Tiniyak din nito na ipapatupad ang health protocols sa aktibidad na sinimulan ganap na alas-8:00 ng umaga sa Municipal Auditorium ng bayan.