-- Advertisements --

First 100 Days Report, isinagawa ng alkalde ng Naga; opisyal, pangako ang mas maunlad na lungsod

NAGA CITY – Ibinahagi ni Naga City Mayor Nelson Legacion ang kaniyang mga nagawa at mga gagawin pa sa kaniyang naging ulat kaugnay ng kaniyang ika-100 na araw sa kaniyang pwesto.

Aniya, kasama ang mga namumuno kan mga departamento at opsina ng gobierno lokal ng Naga, binuo na umano nila noong huling linggo ng Hunyo ang kanilang executive-legislative agenda para sa tatlo hanggang anim na taon.

Kasama na dito ang mga programa at proyekto gayundin ang plano sa pagpapatupad nito gaya na lamang ng sektor ng imprastraktura; kalusugan at nutrisyon; Edukasyon; tulong sa mga mamamayan; tirahan at urban poor; Ekonomiya at trabaho; pagpapatibay ng gobierno lokal; paggasos at pananalapi; Kaligtasan ng publiko; higit sa lahat, transportasyon at pagsasaayos ng trapiko.

Pangako na lamang ni Legacion, paglalaanan nila ng oras ang at atensyon ang mga mahahalagang inisyatibo na muling maglalagay sa Naga patungo sa mas mataas na lebel ng paglago.