KALIBO, Aklan – Muling umapela ang lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan sa Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) na payagan na maibalik ang inaabangang fireworks display sa New Year sa isla ng Boracay.

Hiniling ito ni Sangguniang Bayan member Nenette Aguirre-Graf kay Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group (BIARMG) general manager Natividad Berdandino.

Ayon kay Bernardino, inaabangan na ng mga turistang nagpa-book sa mga hotels para sa Bagong Taon ang fireworks display sa isla kagaya ng nakasanayan bago isinailalim sa anim na buwang rehabilitasyon ang Boracay.

Nabatid na simula noong nakaraang taon bawal na ang fireworks display sa isla pati na rin ang party sa frontbeach, paninigarilyo at pag-inom ng alak.