-- Advertisements --

Mahigpit na regulasyon at hindi dapat i-ban ang mga fireworks.

Ito ang sentimiyento ng Philippine Fireworks Association kasunod ng pahayag ni DILG sec. Benhur Abalos Jr. na nais niyang magpatupad ng total ban sa mga paputok na nagdudulot ng injuries sa pagdiriwang ng bagong taon.

Paliwanag ni Philippine Fireworks Association president Joven Ong na kulang ang regulasyon sa mga paputok kung kayat dapat aniya na higpitan ito ay hindi kailangan na i-ban.

Sinabi din niyo na ang pagsabog sa isang cargo truck na naglalaman ng mga paputok ay dahil hindi maayos na nakabalot at hindi dumaan sa masusing monitoring ng DTI Bureau of Product Standards at walng PS mark.

Saad pa nito na sa halip na ipagbawal ang paputok, dapat na hindi payagan ng PNP-Civil Security Group ang permits para sa potassium chlorate na isang common oxidizer o kemikal sa pyrotechnics na hindi na ginagamit sa ibang bansa at dapat na gumamit na lamang aniya ang mga manufacturer ng mas stable na kemikal para sa mga ibinibentang paputok.