Pinag-iingat ngayon ng Bureau of Fire Protection Davao ang publiko laban sa sunog.
Sa impormasyon mula kay Davao City Fire District director Fire Chief
Inspector Christian Cena, aabot sa 434 ang natalang insidente ng sunog sa lungsod ng Davao mula noong Enero hanggang Setyembre nitong taon.
Mas mataas ito ng 34% kung ikumpara sa 293 na mga fire incidents noong 2021.
Ngunit, mas mababa sa P52.7 million ang damyos sa sunog ngayong taon kung ikumpara sa P131 million na natalang damyos noong 2021.
Dagdag pa ng ahensya na ang mga open flames, electrical at mga itinapong upos na sigarilyo ang nangungunang dahilan ng mga natalang sunog sa syudad.
Paalala rin ng BFP Davao na palaging i check ang mga nakasaksak na mga appliances lalo na sa panahon ng undas at iwasan din ang pagbili at paggamit ng mga sub-standard na Chrismas lights sa panahon ng kapaskuhan.