-- Advertisements --

Pinatumba ng Finland ang Back-to-back Olympic champion na France sa nagpapatuloy na FIVB Men’s Volleyball World Championship.

Pinangunahan ni Finnish spiker Joonas Mikael Jokela ang naturang koponan at nagbulsa ng 20 points sa kaniyang overtime performance.

Hindi naging madali para sa Team Finland na itumba ang Olympic gold medalist matapos itong paabutin ang laban sa limang set.

Nagawa kasi ng Finland na ipanalo ang unang set (25-19) ngunit tuluyan naman itong tinambakan ng France sa ikalawang set, 25-17.

Muling napunta ang ikatlong set sa Finland (29-27) at pinilit na ibulsa ang ika-apat na set para sana sa mas maikling laban. Gayunpaman, muling bumawi ang Olympic champion at ibinulsa ang 25-21 win.

Pagpasok ng deciding set, agad gumawa ng dominanteng laban ang Finnish team at ibinulsa ang 15-9 na panalo.

Kung babalikan ang laban ng Finland at Argentina sa nagpapatuloy na turneyo, umabot din sa ito sa limang set ngunit natalo ang Finnish team.

Nakatakdang labanan ng Finland ang Team Korea sa susunod na laban. Kung maipapanalo nito ang laban, aangat na sa Round of 16 ang naturang koponan.