Nais ngayon ni Department of Agriculture (DA) Sec. William Dar na agad matapos ang imbestigasyon sa umano’y tongpats system o ang kickbacks sa importation ng baboy sa bansa.
Ayon kay DA Sec. William Dar, inatasan na raw niya ang binuong special committee na tututok sa alegasyon ni Sen. Panfilo Lacson na magsumite ng final findings at rekomendasyon sa katapusan ng buwan ng Marso.
Sa parehong statement ipinunto rin ng DA-minimun access volume (MAV) secretariat na ang alegasyon ng korupsiyon para makakuha ng MAV import certificate ay malayong mangyari dahil ang kasalukuyang lincesees ay pareho isang beses kada taon ay sila ay accredited ng mga nagdaang DA administration.
Una rito, sa inisyal na report kay Dar, ang DA-MAV Secretariat wala raw pagkakaiba ang alokasyon ng kasalukuyang MAV licensees at ang naibigay ng kasalukuyan ding DA administration.
Iipinunto ng DA chief na layon ng pagtataas ng MAV at pagpapababa sa taripa ay para patatagin ang supply at presyo ng karneng baboy.
Noong Miyerkules nang ihayag ng DA na sisilipin nila ang mga alegasyon ng kickbacks sa importasyon ng pork products na ibinunyag mismo ni Sen. Panfilao Lacson sa plenary session.
Aabot daw sa P5 hanggang P7 ang nakukuhang kickbacks sa kada liko ng imported pork products.