-- Advertisements --
BSP

Pinatitiyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa mga bangko at iba pang financial insitutions na hindi sila magagamit sa anumang uri ng transaksyon na posibleng vote buying at vote selling.


Kasabay ito ng pagsisimula ng campaign period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Batay sa BSP memorandum, inaatasan ang mga financial institutions na palakasin ang kanilang pagbabantay laban sa iligal na aktibidad sa halalan.


Isa sa posibleng magagamit sa vote buying at vote selling ang mga digital cash applications at online banking.


Dapat umanong tukuyin ang mga biglaan at maramihang account registration sa isang lugar, malalaking cash transactions sa araw ng halalan, kahina-hinalang transaksyon sa mga accounts tulad ng pagpapadala ng isang account sa maraming numero, at kahina-hinalang dami at laki ng halaga ng cash outs.


Maging ang pisikal na abutan ng pera habang papalapit ang halalan ay maigting din na imo-monitor.