-- Advertisements --

DI3

Patay ang itinuturing na financial at logistical officer ng teroristang Daulah Islamiyah at ang tatlong kasamahan nito sa isinagawang operasyon kaninang madaling araw sa Paranaque City.

Ang operasyon ay sinamahan nang pinagsanib na pwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Regional Intelligence Unit, National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at Joint Task Force NCR.

Ayon kay NCRPO chief M/Gen. Debold Sinas, nakatanggap sila ng confirmed reports hinggil sa presensiya ng mga miyembro ng Daulah Islamiyah financial conduit sa Paranaque na na-monitor simula noon pang November 2019.

Sinabi ni Sinas, isisilbi lamang sana ng mga otoridad ang search warrant na inilabas ni Judge Noemi Balitaan ng RTC Branch 258 ng Paranaque.

DI2

Pero bago pa nakalapit ang mga otoridad sa bahay ng mga suspeks pinaulanan na sila ng bala dahilan para mag-retaliate ang mga otoridad.

Umigting ang ilang minutong sagupaan na ikinasawi ng apat na mga Isis-inspired Daulah Islamiyah terror group.

Kinilala ni Sinas ang apat na nasawing umano’y terorista na si Merhama Abdul Sawari aka Mheng na nagsisilbing finance and logistics facilitator ng teroristang grupo; Bensaudi Sali aka Boy; Rasmin Hussin aka Boscon at Jamal Kalliming aka Pando.

DI

Sugatan naman ang isang pulis sa labanan na nakilalang si Cpl. Ehrol Gamboa na nagtamo ng gunshot wounds sa kaniyang paa.

Narekober sa posisyon ng mga suspek ang iba’t ibang uri ng armas, mga pampasabog at records ng financial transactions.

Natukoy ang mga ito na financial conducit ng Daesh-East Asia dahil sa kanilang established connection kay Daulah Islamiya bomb expert at ASG sub-leader Mundi Sawadjaan na isa sa mga tinukoy na key planners ng twin bombding sa Jolo Cathedral sa Sulu na kagagawan ng Indonesian couple nuong January 27,2019.

Sinabi ni Sinas si Sawari ang facilitator ng financial support na nanggaling sa Sulawesi, Indonesia.

Pinuri ni PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa ang matagumpay na operasyon ng NCRPO at sinabing nakahanda ang mga pulis para tugunan ang isyu na may kinalaman sa seguridad.

inag-utos na ni PNP chief ang isang complete investigation sa circumstances hinggil sa presensiya ng mga kilalang ASG-DI suspeks sa Metro Manila.