-- Advertisements --
Hindi na dapat pang mamalagi ang mga Philippine Offshore Gaming Operators o POGOs dito sa bansa.
Ito ang inihayag ni Finance Sec. Benjamin Diokno.
Ayon sa kalihim, walang malaking epekto ang pagkawala ng mga ito sa kikitain ng pamahalaan.
Naniniwala ang kalihim na mas malaki ang ‘reputational risk’ sa bansa, kapag pinayagang manatili pa ang mga ito, kumpara sa mawawala sa kita ng pamahalaan.
Naniniwala din ang kalihim, na mapipigilan ang ibat ibang mga krimen na kaakibat ng mga itinayong POGO sa bansa. Ang mga ito aniya ang ‘social cost’ na binabalikat ng Pilipinas.
Aniya, mas maraming iba pang mga pagkakakitaan o negosyo na maaaring ipalit sa mga POGO, sakaling payagan na ng pamahalaan ang pagtanggal sa mga ito.