-- Advertisements --

Hinikayat ni Finance Secretary Ralph Recto ang mga negosyante sa Australia na mag-invest sa Maharlika Investment Fund.

Sa kaniyang unang official international engagement tinalakay nito ang Maharlika Investment Fund sa nasa 100 na negosyante sa Australia, investment leaders at mga government officials.

Dagdag pa nito na magbibigay ito ng oportunidad sa private-sector engagement para sa pag-finance ng mga malalaking infrastructure projects.

Sa kasalukuyan ay inaayos na ng gobyerno ang fiscal incentives system para mas lalong makahikayat ng mga international enterprises na mag-invest ng mga mahahalagang proyekto.