-- Advertisements --

Nakatakdang ilabas ng Philippine National Police (PNP) ang listahan ng mga tinaguriang election hotspots sa huling araw ng paghahain ng Certificate Candidacy (COC) sa Oktubre 17.

Ito ang inihayag ni PNP Chief Oscar Albayalde kasabay ng mga ginagawa nilang paghahanda para sa 2019 midterm election.

Gayunman inisa-isa ni Albayalde ang limang lugar na aniya’y perennial o laging mataas ang insidente ng karahasan sa bansa tulad ng Abra, Masbate, Lanao, Zamboanga del Norte, at Zamboanga del Sur.

Pero paglilinaw ni Albayalde, hindi pa ito ang Top 5 na “hotspots” dahil hanggang sa ngayo’y isinasapinal pa rin nila ang naturang listahan.

Gayunman, ongoing na ang ginagawang assessment ng iba’t ibang directors ng Directorate for Integrated Police Operations (DIPO) sa buong bansa para sa mga lugar na mapapabilang sa election watchlist areas.

Bagama’t walang itinakdang araw ang PNP chief para isumite ng DIPO directors ang kanilang assessment, sa lalong madaling panahon aniya ay dapat pa rin nila itong maibigay.