-- Advertisements --

Aprubado na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), mga local traffic bureaus at Land Transportation office (LTO) ang final draft ng panukalang single ticketing system ng Metro Manila Traffic Code para sa kalakhang Maynila.

Sa ginawang pulong ay nagkasundo sila ang pinal na 20 kadalasang traffic violations na kasama sa nasabing bagong single ticketing system.

Nagkasundo ang mga ito na ang MMDA ay magbibigya ng pondo para sa pagbili ng mga kagamitan at IT requirements na gagamitin ng mga Metro Manila local government units (LGUs) sa integration ng Land Transportation Management System (LTMS) ng LTO.

Sinabi ni Metro Manila Council (MMC) president San Juan City Mayor Francis Zamora, na kaniyang tatalakayin ang nasabing final draft sa kapwa nitong alkalde sa Metro Manila.

Umaasa siya na aaprubahan ito ng mga alkalde para tuluyan ng maipatupad ang single ticketing sa buwan ng Abril.