Tinawag ni film-director Spike Lee na isang ‘gangster’ at ‘dictator’ si US President Donald Trump.

Kasunod ito sa naging hakbang ng US President sa mga nagsasagawa ng mga malawakang kilos protesta dahil sa pagkamatay ni George Floyd sa kamay ng mga kapulisan ng Minneapolis.

Ayon pa sa Oscar-winner director na hindi ipinanganak na galit ang mga protesters at nagagalit lamang sila dahil sa may mali sa ipinapatupad na sistema.

Pinuna din nito ang ginawa ng mga kapulisan sa Washington para lamang malinisan ang kalsada na dadaanan ni Trump patungo sa simbahan.

Ilan sa mga pelikulang ginawa ni Lee ay ang “Malcolm X” , “She’s Gotta Have It” at maraming iba pa.