-- Advertisements --
Agad kinumpirma ng Office of the Press Secretary (OPS) na binigyan ng pwesto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang film director na si Paul Soriano.
Sinabi ni OPS officer-in-charge Usec. Cheloy Garafil, si Soriano ay magsisilbing presidential adviser for creative communications sa ilalim ng Office of the President.
Ayon kay Garafil, si Soriano ay panunumpain na rin sa puwesto ni Pangulong Marcos ngayong hapon.
Si Direk Paul ay asawa ng actress-TV host na si Toni Gonzaga.
Bago ang kaniyang pagpasok sa gobyerno, nakasama rin si Soriano sa mga ikinonsiderang maging pinuno ng OPS, matapos bumaba sa puwesto si Atty. Trixie Cruz-Angeles.