Inanunsyo ng Department of Tourism sa pakikipagtulungan sa Department of Transportation na ang hitsura sa NAIA ay pinahusay at pinaganda na dahil ito ay nilagyan na mga Filipino themed designs na palamuti.
Kabilang sa designs ang mga panel ng Solihiya sa dingding at mga kasangkapang gawa sa lokal.
Ang departamento ay nagdagdag din ng mga tourist information center, lounging area na may mini garden, bagong charging station, at komportableng waiting area sa mga strategic na lokasyon.
Ang mga airport assistance desk sa mga arrival at departures areas ay parehong in-upgrade gamit ang mga lokal na materyales na gawa dito sa Pilipinas.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, ang inisyatiba ay naglalayong mabigyan ang mga turista at manlalakbay ng parehong paalala kung gaano kaganda ang ating bansa.
Aniya, binibigyang buhay din ng naturang mga disenyo kung gaano kahusay ang ating mga manggagawang Pilipino.
Una nang sinabi ng DOT na ang Terminal 2 ng NAIA ay isa sa mga natukoy na pilot areas para sa airport enhancement convergence program ng mga ahensya ng gobyerno.