-- Advertisements --

CEBU — Binunyag ni Juliet Hagman, ang Bombo Int’l Correspondent sa Sweden na nakatanggap ito ng magkaibang brand ng Covid-19 vaccine bilang ekspiremento.

Ayon kay Hagman na naturokan siya ng AstraZeneca Covid-19 vaccine para sa unang dose at Pfizer naman para sa pangalawang dose.

Ikinuwento ng Bombo Int’l Correspondent sa Sweden na matapos mabakunahan ng magkaibang brand ng bakuna ay wala itong naramdamang kakaiba o seryosong adverse event.

Samantala, inilarawan ni Hagman na responsable ang mga tao sa Sweden dahilan para patuloy na bumubuti ang sitwasyon ng nasabing bansa.

Sa katunayan, halos 70% na ng populasyon nito ang nabakunahan matapos tinarget ng Swedish Government na mabakunahan ang lahat ng residente nito bago ang taglagas.